^

PM Sports

Pacquiao pinaandaran ni Blaine

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpunta si David Blaine ng General Santos City kahapon dahil gusto niyang makilala si Manny Pacquiao.

Tinanggap naman ang sikat na American magician ng Filipino boxing sa kanyang mansiyon kung saan ginawa niya ang kanyang mga bagong magic tricks sa harap ng mag-asawang Pacquiao kasama ang kanilang mga anak at ilang panauhin sa kanilang bahay.

Habang nanonood ang lahat, pinaglaho ng 41-gulang na salamangkero mula sa Brooklyn sa New York ang mga baraha sa kanyang mga kamay.

“That’s amazing,” sabi ni  Pacquiao kay GMA-7 sportscaster Mark Zambrano na nasa mansiyon nang dumating si Blaine.

Marami pang ginawang magic si Blaine sa harap ng 35-gulang na  si Pacquiao.

Inamin ni Blaine na isa siya sa milyung-milyong tagahanga ni Pacquiao at marami siyang alam tungkol sa  Filipino boxing superstar.

Sa katunayan, matagal nang sinusundan ni Blaine si Pacquiao mula noong lumalaban pa ang Sarangani Congressman sa  Thailand. Kaya niyang sabihin lahat ang mga naging laban ni Pacquiao, ang petsa at mga naging kalaban gayundin ang resulta.

Titig na titig si Pacquiao sa mga kamay ni Blaine habang nagma-magic ito at namangha sila sa kanyang mga ginawa. Hinainan si Blaine ng tanghalian na adobo, pinakbet at kanin at hinamon siya ni Pacquiao na kumain ng balut at durian.

 

vuukle comment

BLAINE

DAVID BLAINE

GENERAL SANTOS CITY

HABANG

MARK ZAMBRANO

NEW YORK

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with