Blatche sa Miami Heat?
MANILA, Philippines - Matapos ang magandang ipinakita ni Andray Blatche sa FIBA World Cup sa Spain sa paglalaro para sa Gilas Pilipinas, tinitingnan ng naturalized Filipino player ang pagla-laro sa Miami Heat.
Sa katunayan, mula sa Spain ay pupunta si Blatche sa Miami para makipagnegosasyon, ayon sa artikulong lumabas sa netsdaily.com.
Naghahanap ang Mia-mi ng offensive-minded center para makatulong ni Chris Bosh at naghahanap din ng trabaho si Blatche ngunit ang ta-nging maiaalok ng Miami ay minimum contract para sa isang beterano maliban na lang kung gusto niya ng sign-and-trade.
Sa paglalaro ni Blatche sa World Cup, nagtala siya ng average na 21.2 points at 13.8 rebounds sa limang laro na nagpalakas ng kanyang tsansang lumaro uli sa NBA.
Nagsabi na ang dating NBA team ni Blatche na Brooklyn Nets na hindi sila interesadong kunin uli ito.
- Latest