MANILA, Philippines - Apat na manlalaro ng St. Benilde ang nakitaan ng magandang numero para kunin ang 106-97 panalo sa Arellano sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagtala ng 27 points, 11 rebounds at 6 assists si Paolo Taha, habang sina Mark Romero, Jeffrey Ryan Ongteco at Raphael Romero Nayve ay may 23, 19 at 13 puntos para sa pananaig ng Blazers sa Chiefs.
Kapos lamang ang St. Benilde ng isang laro sa nasa pangalawang Arellano at host Jose Rizal University sa 9-4 baraha para humigpit ang karera sa unang dalawang puwesto sa Final Four.
Si Dioncee Holts ay may 31 points para sa Chiefs na hindi nagamit ang serbisyo ng mahusay na point guard na si Jiovani Jalalon.
Dominado ng tropa ni coach Jerry Codiñera ang first half at lumamang sila ng hanggang 17 puntos sa first period bago nakuntento sa 28-20 patungo sa 49-44 abante.
Pero nag-init ang Blazers sa ikatlong yugto at gumawa ng 27 puntos para magkatabla sa 71-71 ngunit kumulapso sa fourth quarter.
ST. BENILDE 106 -- Taha 27, Romero 23, Ongteco 19, Nayve 13, Grey 8, Bartolo 6, Sinco 5, Jonson 3, Pajarillaga 2, Saavedra 0.
Arellano 97 -- Holts 31, Nicholls 23, Agovida 14, Hernandez 10, Pinto 9, Ciriacruz 6, Gumaru 2, Enriquez 2, Salcedo 0, Caperal 0, Ortega 0, Cadavis 0.
Quarterscores: 20-28, 44-49, 71-71, 106-97.