^

PM Sports

Good job Gilas!

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

SEVILLE, Spain – Lilisanin ng Gilas Pilipinas ang sentro ng Andalucia na mahusay nilang naipakilala ang Pinas sa mundo ng basketball na nagbigay ng ipagmama-laki sa milyung-milyong Pinoy sa buong mundo.

Sa kanilang pinakamagandang ipinakita sa limang gabi, ibinalik ng Gilas ang dignidad ng mga Filipino na nabibilang pa rin sa mundo ng basketball at hindi lamang basta isang koponan mula sa Asya.

Sa isang panalo at tatlong muntik nang naipanalong laro, gumawa ng impact ang Gilas sa kanilang ipinakitang performance na magbibigay inspirasyon sa Philippine basketball na patuloy na mangarap.

Kumbinsido si  Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na dapat ipagmalaki ang Nationals matapos ipakilala kung sino ang Gilas Pilipinas.

Wala ring duda si Pangilinan na iminulat ni coach Chot Reyes at ng kanyang team sa buong mundo ang Philippine basketball brand, sa pusong ipinakita ng koponan at sa klase ng laro ng Gilas.

“On the whole, we did well,” sabi ni Pangilinan sa farewell dinner ng Philippine delegation dito. “On the whole, you could see the whole world waking up to Philippine basketball and I’m happy about it,” sabi pa ng major supporter ng Gilas Pilipinas program.

Natuwa si Pangilinan na ang Gilas Pilipinas ang naging best Asian team sa 24-team tournament.

“We’re benchmarking the two other Asian countries which participated in this tourney. The losing margin of Korea was over 100 points, Iran was much, much higher than us. Buying that token, we did very well,” sabi ni Pangilinan.

Ang Korea ay na-tambakan sa lahat ng kanilang limang laro sa Group D habang ang Iran ay nanalo ng 15 kontra sa Egypt ngunit inilampaso na sa iba pa nilang laro sa Group A.

Pero ang Gilas Pilipinas, hindi malilimutan ang kanilang panalo sa Senegal gayundin ang kanilang magandang laban na ipinakita kontra sa Croatia, Argentina, Puerto Rico at Greece.

“Hindi lang tayo pinalad, muntik na sa atin ang Croatia, Argentina and Puerto Rico,” sabi pa ni Pangilinan.

Patuloy pa ring ma-ngangarap si Pangilinan.

“Kailangan. Otherwise, wala tayong pupuntahan,” ani Pangilinan na nagsabi ring seryoso siya sa pagbi-bid ng hosting ng World Cup. “We have to prepare for that because most of these players will be too old for 2009. By that time, (Andray) Blatche is what? 34? Dapat mag-isip-isip tayo especially if we get lucky to host the next world championship.”

ANG KOREA

ARGENTINA AND PUERTO RICO

CHOT REYES

CROATIA

GILAS

GILAS PILIPINAS

GROUP A

GROUP D

PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with