Winalis ang Cagayan sa kanilang title series Army kampeon sa V-League

MANILA, Philippines - Tuluyan nang winalis ng Philippine Army ang da­ting reynang Cagayan Valley sa kanilang championship series sa pama­ma­gitan ng 25-14, 25-7, 25-23 panalo sa Game Two para kunin ang ko­ro­na ng Shakey’s V-League Season 11 Open Con­fe­rence kahapon sa The Are­na sa San Juan Ci­ty.

Nagbida ang betera­nang si Tina Salak sa 2-0 sweep ng Lady Troopers sa kanilang best-of-three titular showdown ng Ri­sing Suns.

Nagposte ang 38-an­yos na si Salak ng hits at 30 excellent sets para sa unang titulo ng Army ma­tapos ang tatlong taon.

Humataw naman si Jo­velyn Gonzaga ng 13 hits, kasama rito ang 12 kills, para hirangin bilang Fi­nals Most Valuable Pla­yer sa ikalawang pagka­ka­taon.

Nauna nang nagtala si Gonzaga ng 19 hits sa 25-19, 18-25, 25-18, 25-7 panalo ng koponan sa Game One noong Huwebes.

Ang dalawang spikes ni Gonzaga sa third set ang tuluyan nang sumelyo sa kanilang tagumpay.

Kinuha ng Lady Troo­pers ang apat na puntos para makabangon mula sa 21-23 agwat sa nasabing yug­to.

“I’m lucky to be blessed with great pla­yers,” sabi ni Army head coach Rico de Guzman sa kanyang koponan.

Sa kabuuan ay naglista ang Lady Troopers ng 46 smashes kumpara sa 20 ng Rising Suns.

Nagposte ang Army ng 11 blocks laban sa da­­la­wa ng Cagayan, kumu­ha ng 16-game sweep pa­­ra angkinin ang titulo no­ong nakaraang taon.

Si top hitter Aiza Mai­zo ay nalimitahan sa 8 points, habang may 5 si Pau Soriano  kasunod ang tig-4 nina Rosemarie Vargas, Wenneth Eulalio at Joy Benito.

Sa unang laro, binawian ng PLDT Home Telpad ang Air Force, 25-18, 25-23, 25-15.

Ngunit dahil natapos na ang Finals at base sa quotient ay lamang ang Tur­bo Boosters na nagbi­gay sa kanila ng third place.

 

Show comments