^

PM Sports

Juico target ang medalya sa 2020 Olympics

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang medalya sa 2020 Tok­yo Olympic Games ang pangarap na maibigay ng bagong pangulo  ng athletics na si Philip Ella Juico.

Sa pagbisita kaha­pon sa PSA Forum sa Sha­key’s Malate, kanyang ipi­naalam na nagsisimula na ang PATAFA na tumu­koy ng mga atleta na may malaking potensyal na ma­nalo sa mga malala­king kompetisyon katulad ng 2015 SEA Games sa Singapore.

“We have identified a num­ber of athletes who will be given special trai­ning in preparation for 2015. Hopefully by 2020, they get medals in the Tokyo, Olympics. That’s a good six years and we hope to achieve that,” pahayag ni Juico na dati ring naupo bilang chairman ng Philippine Sports Com­mis­sion (PSC).

Pinalitan ang dating pa­ngulo na si Go Teng Kok sa eleksyon na ginawa noong Hulyo 25, ang agarang plano ng bagong PATAFA administration  ay tulungan pataasin ang morale ng atletang ipa­dadala sa Asian Games sa Incheon, Korea.

May 10 atleta  na ang na­kapasa sa Asian Games criteria na  inilabas ng Task Force sa pangunguna ng kasalukuyang PSC chairman na si Ricardo Gar­cia.

Pero hinahabol pa  sa ta­laan si two-time Olympian at SEA Games record holder Marestella Tor­res.

Nabigo si Torres na ma­abot ang Asian Games criteria na 6.37-metro sa sinalihang Vietnam Open kamakailan nang magtala ng 6.14-metro para sa pilak na medalya.

Bunga nito ay hinihi­ling ng PATAFA sa Task Force na payagan ang 33-anyos na SEA Games record holder na sumali sa Weekly Relay sa Agosto 10 para magtangka sa hu­ling pagkakataon ng pu­westo sa koponan.

Ang dead­line ng Asian Games or­ga­ni­zers ay sa Agosto 15.

AGOSTO

ASIAN GAMES

GAMES

GO TENG KOK

MARESTELLA TOR

OLYMPIC GAMES

PHILIP ELLA JUICO

SHY

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with