Sa pagkopo ng ‘three-peat’ sa Philippine Super Liga magandang teamwork ang sikreto ng Generika-Army

MANILA, Philippines - Walang ibang sikreto ang patuloy na pamama­yagpag ng Generika-Army sa 2014 PLDT Home-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Confe­rence women’s volleyball kundi ang kanilang ma­gandang teamwork.

Tinalo ng Lady Troo­pers ang RC Cola-Air Force Raiders via straight sets, 25-22, 25-16, 25-19, para sa ikatlong sunod na kampeonato sa ligang inor­ganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Hindi maitatatwa na na­sa koponan ang mga ma­huhusay na manlalaro tu­lad nina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Mary Jane Balse at setter Tina Salak.

Ngunit walang epek­to ito kung wala silang ma­gandang samahan.

“It was a total team effort from inside and outside the court. Everybody chipped in from ranking generals down to regular military personnel,” wika ni De Guzman.

Hindi naman maganda ang panimula ng kopo­nan dahil natalo sila sa unang dalawang laro dahil hindi agad nakasama si Salak dahil sa military schooling.

Nang maipaalam sa na­­katataas, pinayagan si Sa­lak na iwan muna ang pag-aaral at dito nagba­go ang takbo ng laro ng La­dy Troopers.

Apat na sunod na pa­nalo ang kanilang naitala at lumabas pa bilang No. 1 team matapos ang elims tangan ang pinakamagandang tie-break sa mga nakatablang Raiders, Petron Blaze Lady Spikers at ex­pansion team na AirAsia Flying spikers.

Dumiretso agad ang ko­ponan sa semifinals at ang dagdag na pahinga ay lalong nagpabangis sa ko­ponan dahil hindi sila lu­masap ng pagkatalo sa anim na sets na hinarap sa knockout round.

Pinagpahinga ng Ge­ne­rika-Army ang Flying Spi­kers sa semis, 25-19, 25-23, 25-16, bago isinu­nod ang Raiders.

“Mahalaga rin ang experience ng mga players ko dahil hindi mo maituturo iyan,” wika ni De Guz­man.

Si Salak, bagama’t hin­di nanalo ng individual award, ang kinilala bilang Most Valuable Player.

Ang nabig­yan din ng parangal ay sina Ste­phanie Mercado at Abi­gail Maraño ng Air­Asia bilang 1st Best Outside Spiker at Middle Blocker.

Sina Suzanne Roces at Lizlee Ann Pantone ng PLDT Home TVolution Power Attackers ang Best Opposite spiker at Best Libero at si Rhea Dima­culangan ng RC Cola-Air Force ang Best Setter.

Show comments