Kontrata ni Lewis sa mavs wala nang bisa

DALLAS -- Pinawalang bisa ng Dallas Mave-ricks ang kontrata ni Rashard Lewis dahil kailangan ng free agent forward ng surgery sa kanyang kanang tuhod.

Sinabi ni president of basketball operations Donnie Nelson na nadiskubre ng koponan ang panga-ngailangan ni Lewis ng surgery matapos ang isang physical examination.

Kamakailan ay lumagda si Lewis ng isang one-year deal para sa veteran minimum na $1.4 milyon.

Show comments