Deng lumipat sa heat; makakasama ni andersen

MANILA, Philippines - Matapos iwanan ni LeBron James, nakipagkasundo ang Miami Heat kay free-agent forward Luol Deng para sa isang two-year, $20 million contract, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Magkakaroon si Deng ng isang player option sa 2015-16 season.

Pinili ni Deng ang Heat sa paniniwalang ang pagbabalik ng kanilang mga kamador bukod pa sa mga free-agent signings ang patuloy na magpapalakas sa koponan sa Eastern Conference.

Ang kawalan din ng state income tax sa Miami ang isa sa mga bagay na humikayat kay Deng.

Nag-usap sina Heat president Pat Riley at ang agent ni Deng na si Ron Shade noong Sabado at nagkasundo noong Linggo.

Samantala, pumayag na si free-agent forward Chris “Birdman” Andersen para sa isang multiyear deal para manatili sa Heat. Ilang koponan ang nagtangkang kunin si Andersen – kasama dito ang New York Knicks – subalit gusto ni Andersen na bumalik sa Miami kahit wala na si LeBron James.

Show comments