James magbabalik sa Cavs; Bosh mananatili sa Heat

CLEVELAND -- Kung mananalong muli si LeBron James ang isa na namang NBA title, hilumin ang mga sugatang puso at ipagpatuloy ang kanyang legacy, alam niya kung saang lugar siya dapat pumunta.

Sa Ohio. Ang kanyang tahanan.

Apat na taon matapos lumipat sa Miami na nagbunga ng kritisismo at nagpaguho sa panga­rap na kampeonato ng Ca­valiers, magbabalik si James sa Cleveland para su­bukan at wakasan ang pag­kauhaw sa titulo ng ko­ponan.

Ito ang inihayag ni James sa pamamagitan ng essay na kan­yang isinulat para sa Sports Illustrated.

Ang kanyang desisyon ang tumapos sa dalawang linggong paghihintay ng liga.

“I looked at other teams, but I wasn’t going to leave Miami for anywhere except Cleveland,” wika ni James sa SI. “The more time passed, the more it felt right. This is what makes me happy.”

Hindi pa pumipirma si James ng kontrata ngunit nilinaw niya na muli siyang magsusuot ng Cavaliers jersey sa susunod na season.

“When I left Cleveland, I was on a mission,” sabi ni James. “I was seeking championships, and we won two. But Miami already knew that feeling. Our city hasn’t had that feeling in a long, long, long time. My goal is still to win as many titles as possible, no question. But what’s most important for me is bringing one trophy back to Northeast Ohio.”

Sinasabing lalagda si James sa isang four-year, $88 million contract sa Ca­valiers.

Samantala, pumayag naman si Chris Bosh na manatili sa Miami Heat.

Nakatakdang pirmahan ng nine-time All-Star forward ang isang five-year, $118 million deal sa Heat, habang inaasaha namang su­su­nod si Dwyane Wade.

 

Show comments