Khan nakisawsaw din sa gustong lumaban kay Manny

MANILA, Philippines - Nakaharap na ni Amir Khan si Manny Pacquiao sa ilang sparring session.

Ngayon ay gusto niyang makasagupa ang Filipino icon sa isang aktuwal na laban.

“We used to train together. We were sparring partners. We used to have the same trainer. We were both world champions at the same time. There is a lot of history there. That’s a great fighter,” sabi ni Khan sa panayam ng Real TV.

Ang dating world lightweight champion ay naging sparmate ni Pacquiao at minsan nang bumisita sa bansa noong 2011 para ihanda si ‘Pacman’ sa laban nito kay Shane Mosley.

Nagsanay din si Khan sa ilalim ni trainer Freddie Roach.

“What a great storyline that would make?” wika ni Khan (29-3-0, 19 knockouts) sa posible nilang banggaan ni Pacquiao.

Isa lamang si Khan sa mga gustong harapin si Pacquiao, nakatakdang lumaban sa Nobyembre 23 sa Macau.

Ang iba pa ay sina Juan Manuel Marquez, Chris Algieri, Luis Carlos Abregu at Danny Garcia.

Subalit hindi nagmamadali ang kampo ni Pacquiao sa pagpili ng kanyang lalabanan.

Sinabi ni Top Rank chief Bob Arum na maaari pang sa Agosto nila ihayag ang makakatapat ni Pacquiao.

“Manny has problems with quick boxers. I’ve sparred with him myself. I know he has problems with a good boxer who has a very good jab and moves great,” wika ni Khan.

 

Show comments