Isang mananaya nakuha ang higit sa P2 milyong premyo

MANILA, Philippines - Mahigit na dalawang milyong piso ang napanalunan ng isang karerista na tumugon sa pista noong Sa­bado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa 1st set ng Winner-Take-All na kuha ng isang mapalad na mananaya ang P2,273,368.20 na nagmula sa kumbinasyong 1-7-1-4-4-6-2 mula race one hanggang seven.

Bumagsak ang benta ng WTA sa race three nang manalo ang Baby Smartie ni Jeff Bacaycay sa isang 3YO Handicap Race 1 karera na inilagay sa 1,500-metro distansya.

Huling nakitaan ng magandang takbo ang tamba­lan noong Mayo 20 nang pumangatlo sa Santa Ana Park sa 1,300-metro pero hindi ito tumimbang sa hu­ling dalawang karera noong May 24 at Hunyo 4 sa na­sabing race track sa magkatulad na 1,500-metro.

Pero kondisyon ang Baby Smartie na pinataob ang ha­mon ng dehado ring Freedom Run.

Nasa P71.00 ang ibinigay sa win, habang ang 1-5 forecast ay nagpamahagi ng P1,188.00.

Lalo pang napahirapan ang karerista sa pangingi­ba­baw ng Alessi’s Touch at Mr. Sensitive sa race five at six.

Galing sa panalo no­ong Hunyo 3 ang Alessi’s Touch sa pagdadala ni LD Balboa pero ipinala­gay na mahihirapan sa Class division 1C race sa 1,500-metro dahil sa ipi­nataw na top weight na 58 kilos.

Sinalubong naman ng Mr. Sensitive ng pana­lo ang pagtakbo sa taon sa pag­da­dala ni ALG Gam­­­boa sa pagdomina sa class division 1B sa 1,300-metrong ka­rera.

Ang win ng Alessi’s Touch ay may P41.00 sa win, habang nasa P40.50 ang ibinigay ng Mr. Sen­si­tive.

Magkakaroon ng ka­rera ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at ang walong races ay iti­nalaga bilang Monday Spe­cial Race at asahan na pa­laban ang lahat ng ka­sa­li dahil sa isinahog na P125,000.00 sa mananalo.

Show comments