^

PM Sports

Matapos ang panalo kay Alvarado Marquez mag-iisip pa kung lalabanan si Pacquiao

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginamit ni Juan Ma-nuel Marquez ang kanyang 21-taong karanasan para talunin si Mike Alvarado via unanimous decision sa kanilang title eliminator kahapon sa The Forum sa Inglewood, California.

Pinabagsak ng 40-anyos na si Marquez ang 29-anyos na si Alvarado sa eighth round mula sa isang right hand.

Nakaganti naman si Alvarado nang patumbahin si Marquez sa ninth round buhat sa kanyang right hand at halos mapabagsak ang Mexican sa 11th round.

Kumonekta si Marquez (56-7-1, 40 KOs) ng 278 punches kumpara sa 178 ni Alvarado (34-3-0, 23 KOs) para makuha ang mga puntos na 117-109, 117-109 at 119-108 mula sa tatlong judges.

Bagama’t siya na ang mandatory challenger para sa suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ni Manny Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ay wala pang desisyon si Marquez kung hahamunin niya ang Filipino world eight-division champion.

“As for a fifth fight with Pacquiao, we’ll relax. I don’t know at the moment but any decision we make will be good for me, good for my family and good for the Mexican fans,” wika ni Marquez.

Sa kanilang ikaapat na paghaharap ay pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa sixth round noong Disyembre 8, 2012.

Mula dito ay nakabangon si Pacquiao matapos bugbugin si Brandon ‘Bam Bam’ Rios noong Nobyembre 24, 2013 at resbakan si Timothy Bradley, Jr. noong Abril para muling agawin ang WBO title.

“I’m not making a decision on Pacquiao right now. I felt great in the fight and I know I did a great job, but let me see how I feel in a couple of weeks,” ani Marquez. “I am not making a decision on a Pacquiao fight right away. I’m gonna rest and think about it.”

Sakaling maplantsa ang Pacquiao-Marquez V ay itatakda ito ni Bob Arum ng Top Rank sa Macau, China.

ALVARADO

BAM BAM

BOB ARUM

JUAN MA

MARQUEZ

MIKE ALVARADO

PACQUIAO

PACQUIAO-MARQUEZ V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with