^

PM Sports

Nets Coach Kidd pinagmulta ng $25,000

Pang-masa

NEW YORK – Pinagmulta si Brooklyn Nets coach Jason Kidd ng $25,000 ng NBA nitong Biyernes dahil sa pagbatikos sa mga referee sa harap ng publiko.

Inihayag ang penalty ilang oras bago mag-host ang Nets sa laban kontra sa Toronto sa Game 6 ng kanilang first-round series matapos ang mga komento ni Kidd sa isang conference call sa mga reporters.

Kinuwestiyon ni Kidd kung bakit isang free throw lang ang itinira ni Joe Johnson sa pagkatalo ng Nets sa Game 5, 115-113. Sa tingin niya ay na-foul si Shaun Livingston sa rebound play sa huling maiinit na segundo ng labanan ngunit hindi ito tinawagan ni Tom Washington at sinabi niyang ilang besses pang nag-flop ang  Nets.

“It was an opinion,’’ ani Kidd. “We all have them, right or wrong, so we move on.’’

Ikalawang multa ito kay Kidd sa kanyang rookie season bilang coach. Pinagbayad siya ng $50,000 dahil sa delaying the game by intentionally nang magtapon siya ng inumin sa court.

BIYERNES

BROOKLYN NETS

IKALAWANG

INIHAYAG

JASON KIDD

JOE JOHNSON

KIDD

KINUWESTIYON

SHAUN LIVINGSTON

TOM WASHINGTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with