^

PM Sports

LA Lakers di nagmamadali sa pagkuha ng bagong coach

Pang-masa

LOS ANGELES – Sinabi ng Los Angeles Lakers  na hindi sila nagmamadali sa paghahanap ng bagong head coach.

Ibig sabihin ay puro espekulasyon lang ang lahat ng maririnig tungkol sa napakaraming kandidato na papalit kay Mike D’Antoni matapos ang masamang pagtatapos ng Lakers ngayong season sa loob ng mahigit 50 years.

Matapos ang di magandang kinahinatnan sa pagkuha kina Mike Brown at D’Antoni, kailangang pag-isipang mabuti ni owner Jim Buss, pumalit sa yumao niyang tatay na si Jerry, kung sino ang kanyang kukuning coach.

Sinabi ni General manager Mitch Kupchak na walang  timetable para sa paghahanap ng bagong caoch na maaaring uma-bot hanggang NBA draft lottery sa May 20.

Marami pa rin ang interesadong hawakan ang Lakers  sa likod ng kanilang 27-55 season at ang iluluklok na coach ay mangunguna sa pagre-rebuild ng prangkisa sa mga susunod na taon para sa 16-time champions.

Kabilang sa mga kandidato ay sina dating La-kers guard Byron Scott at forward Kurt Rambis na may karanasan na sa pagko-coach sa ibang liga.

vuukle comment

ANTONI

BYRON SCOTT

IBIG

JIM BUSS

KURT RAMBIS

LOS ANGELES LAKERS

MIKE BROWN

MIKE D

MITCH KUPCHAK

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with