^

PM Sports

Nag-uusap na ang mga owners kung paano patatalsikin si Sterling

Pang-masa

NEW YORK – Tila seryoso ang mga NBA owners gayundin si Commissioner Adam Silver na tapusin ang pagma-may-ari ni Donald Sterling sa Los Angeles Clippers.

Nagsagawa ang  advisory/finance committee ng liga para pag-usapan ang isyu ukol kay Sterling nitong Huwebes, dalawang araw matapos sabihin ni Silver na hihikayatin niya ang mga owners na pu-wersahing ibenta ang team.

Nagdaos ng confe-rence call ang 10-member committee para pag-usapan ang proseso ng pagsibak kay Donald T. Sterling bilang may-ari ng Los Angeles Clippers, ayon sa statement ni  NBA executive vice president Mike Bass. “The committee unanimously agreed to move forward as expeditiously as possible and will reconvene next week.’’

Na-ban si Sterling sa NBA for life at pinagmulta ng $2.5 milyon ni Silver  nitong Martes dahil sa kanyang mga racist comments. Hindi na puwedeng magkaroon ng kaugnayan si Sterling sa liga or sa team ngunit hindi pa kontento si Silver.

Para mapuwersang ibenta, kailangan ng approval ng three-fourths ng 30 owners ng liga at kumpiyansa si Silver na makukuha niya ang kailangang bilang na boto.

Si Minnesota owner Glen Taylor ang chairman ng committee.

COMMISSIONER ADAM SILVER

DONALD STERLING

DONALD T

GLEN TAYLOR

HUWEBES

LOS ANGELES CLIPPERS

MIKE BASS

NAGDAOS

NAGSAGAWA

SI MINNESOTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with