Pacquiao dadaan sa proseso bilang rookie
MANILA, Philippines - Kung seryoso si FilipiÂno world eight-division champion Manny Pacquiao na maglaro sa PBA ay kailangan niÂyang duÂmaÂan sa tamang proseso.
Nilinaw ito kahapon ni PBA Commisisoner ChiÂto Salud matapos ang puÂlong ng mga miyembro ng PBA Board of Governors.
Ayon kay Salud, ituÂturing na rookie ang 35-anyos na si Pacquiao saÂkaling magdesisyon itong maglaro sa PBA.
“He will be a welcome addition to the PBA but he has to undergo the process,†sabi ni Salud kay PacÂquiao na maaaring maÂging pinakamatandang rooÂkie na papasok sa pro league.
Ang Sarangani Congressman ay isang basketball fanatic at tuwing may nakatakdang laban ay hinÂdi niya kinakalimutang maglaro ng basketball sa General Santos City.
Ilang beses na ring binisita si Pacquiao sa kanyang dugout ng mga NBA players na kagaya nina Kevin Garnett, Paul Pierce at Ray Allen.
Tinanggap ng PBA ang aplikasyon ng mga exÂÂpansion teams na NLEX, Blackwater at Kia, sinasabing maaaring laÂruan ni Pacquiao.
- Latest