MANILA, Philippines - Isang linggo matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas, Nevada ay nagtungo si boxing icon Manny Pacquiao sa Palasyo para sa courtesy call kay Presidente Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon.
Nag-usap sina Pangulong Aquino at Pacquiao sa MuÂsic Room ng Malacañang.
“Magkaibigan naman si Pangulo at saka si ConÂgresÂsÂman Manny Pacquiao. Usually kapag sinabi naÂting talking points it’s a business meeting. Meron taÂlagang naka-set na agenda. Sa aking palagay, ito ay pagÂkikita lamang ng dalawang magkaibigan at pagpapalitan ng paghanga at pasasalamat,†sabi ni Communication Secretary Sonny Coloma.
Sinasabing nagkaroon ng tampo si Pacquiao sa MaÂlacañang dahil sa lantarang paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Sarangani Congressman.
Hinahabol ng BIR si Pacquiao dahil sa utang nitong P2 bilyon sa buwis.