MANILA, Philippines - Umiwas sa anumang komplikasyon ang Meralco sa kanilang pagpasok sa quarterfinal round matapos gibain ang Barako Bull sa pamamagitan ng come-from-behind 105-98 victory sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakabawi ang Bolts mula sa 22-point deficit, 22-44, sa 7:22 ng second quarter para makaabante sa quarterfinals bitbit din ang nagdedepensang Alaska Aces at San Mig Coffee Mixers.
“We started flat but in the game of basketball you don’t lose in the first quarter, second quarter and third quarter,†sabi ni coach Ryan Gregorio sa 0-14 pagkakabaon ng Meralco sa Barako Bull sa pagsisimula ng laro. “We simply did not give up. This is game is too important to let it slip away.â€
Hawak pa ng Energy Cola ang 12-point lead, 54-42, sa halftime nang kumamada sina import Darnell Jackson, Gary David, Jared Dillinger at John Wilson sa third period para idikit ang Bolts sa pagtatapos nito, 73-74.
Inagaw ng Meralco ang unahan sa 81-78 mula sa isang maikling 8-3 bomba hanggang iwanan ang Barako Bull sa 96-88 sa huling 3:45 ng final canto.
Huling nakalapit ang Energy Cola sa 95-99 agwat mula sa isang three-point shot ni import Josh Dollard sa nalalabing 34.6 segundo.
Nagtala si Jackson ng 30 points, 5 rebounds at 5 assists para pamunuan ang Bolts, habang nagdagdag si Dillinger ng 16 markers kasunod ang tig-15 nina David at Wilson.
Nag-ambag si Chris Timberlake ng 12 points, samantalang may 10 si Cliff Hodge.
Kasalukuyan pang nag-lalaro ang quarterfinalist nang Talk ‘N Text at ang sibak nang Globalport habang isinusulat ito. (RC)
MERALCO 105 - Jackson 30, Dillinger 16, David 15, Wilson 15, Timberlake 12, Hodge 10, Hugnatan 7, Caram 0, Salvacion 0, Sena 0, Guevarra 0.
Barako Bull 98 - Dollard 33, Intal 12, Pennisi 12, Fortuna 11, Miller 9, Miranda 8, Wilson 7, Marcelo 3, Buenafe 3, Pena 0.
Quarterscores: 20-33; 42-54; 73-74; 105-98.