MANILA, Philippines - Ipinoste ng Adamson University ang kanilang pangatlong sunod na panalo matapos gibain ang Arellano University, 17-25, 24-26, 25-14, 25-19, 15-11, at kunin ang ikalaÂwang quarterfinal ticket sa Group A sa ShaÂkey’s V-League Season 11 First Conference kaÂhapon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ikalawang laro, tiÂnalo ng nagdedepensang National University ang Far Eastern University, 25-19, 25-23, 25-19, paÂpaÂsok sa quarterfinals.
Nagbida sina relieÂvers Amanda Maria Villanueva at Ma. Erika Gel Alkuino sa huling tatlong sets para sa pagresbak ng Lady Falcons mula sa pagÂkakaiwan sa kanila ng Lady Chiefs sa season-opening conference ng ligang suportado ng ShaÂkey’s.
Nagtala si VillanuÂeÂva ng 9 hits, habang may dalawa si Alkuino paÂra sa pangatlong dikit na ratsada ng Adamson maÂtapos matalo sa UAAP champions na Ateneo LaÂdy Eagles sa pagsisimula ng torneo noong Marso 23.
Winakasan ng ArellaÂno ang single round elims mula sa kanilang 4-1 record.
Tatapusin ng Adamson ang kanilang kamÂpanÂya sa eliminasyon sa Abril 27 sa pagsagupa sa St. Benilde.
Naglista si Shiela PiÂneda ng 17 kills bukod pa sa 2 blocks at 2 service aces, habang may 18 hits naman si dating ace spiÂker Pau Soriano.
Nag-ambag naman si Thai guest player Patcharee Sangmuang ng 15 marÂkers.
May pinagsamang 28 sa 50 excellent digs ng Lady Falcons sina Pineda at Sangmuang.