Hindi makakasama ng San Antonio ng 2-games si Parker

MANILA, Philippines -  Tanaw na ng San Antonio Spurs ang home-court advantage sa playoffs ngunit  posibleng hindi nila makakatulong si Tony Parker para masiguro ito.

Ang leading scorer ng Spurs ay may back spasms at hindi makakabiyahe sa two-game trip na magsisimula nitong Martes ng gabi para sa rescheduled game kontra sa Minnesota.

Ang San Antonio (60-17 ay may 4 ½ game na kalamangan sa Oklahoma City sa Western Conference at may anim na laro pa ang Thunder na haharap sa Sacramento nitong Martes.

Ang panalo ng Spurs at kabiguan ng Thunder ang magkakaloob sa San Antonio na NBA Best record.

Ngunit lalaro ang Spurs na wala si Parker matapos siyang mapuwersang lumabas ng court sa first quarter ng kanilang 112-92 panalo laban sa Memphis na siyang una ng koponan matapos mahinto sa 19-panalo ang kanilang winning streak noong Huwebes.

Show comments