MINNEAPOLIS – Inaresto si Minnesota Timberwolves forward Dante Cunningham nitong Huwebes dahil sa alegasyon ng domestic assault at nakakulong nang walang piyansa habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.
Umalis ang kanyang team na hindi siya kasama para sa two-game road trip sa Florida.
Ipinasok si Cunningham sa Hennepin County Jail bandang alas-6:00 ng umaga ayon sa police records.
Ang babaeng sangkot sa insidente na nakatira sa bahay ni Cunningham sa Minneapolis ay hindi na kinailangan ng medical treatment, ayon sa mga pulis.
Nagbigay ang Timberwolves ng statement at sinabing alam nila ang nangyaring pag-aresto kay Cunningham at kasalukuyan pa silang nag-iimbestiga.
“The Minnesota Timberwolves organization takes the matter very seriously and does not condone the type of behavior that is associated with this situation,†ayon sa statement. “However, we need to let the legal process run its course and will have further comment at the appropriate time.â€
Umalis ang team patungong Miami nitong Huwebes ng hapon para labanan ang Heat sa Biyernes at Orlando Maic sa Sabado.
Ang 26-gulang na si Cunningham ay naging isa sa mapagkakatiwalaan ni coach Rick Adelman na bench player sa huling dalawang taon at pangunahing backup ni Kevin Love sa power forward position.
Sa kanyang ikalimang taon sa liga, si Cunningham ay nag-average ng 6.0 puntos at 4.0 rebounds ngayong season.