Jackson pormal na ipinakilala ng Knicks
NEW YORK -- Nagbalik si Phil Jackson sa New York Knicks bilang kanilang team president.
Inihayag ng Knicks ang kanilang pagkuha kay Jackson nitong Martes sa isang news conference sa lobby ng Madison Square Garden kung saan makikita ang isang higanteng sign na may nakasulat na “Welcome Home Phil†at may mga t-shirts sa itaas na may No. 18 na isinuot ni Jackson bilang player.
Lumagda si Jackson sa isang five-year contract sa New York. “This is the best place to play basketball,†sabi ni Jackson.
Si Jackson ay naging miyembro ng Knicks’ championship-winning teams noong 1970 at 1973, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nananalo ng korona.
Matapos ito ay nanalo si Jackson ng 11 championships para sa Chicago Bulls at Los Angeles Lakers.
Ito ang magiging unang pagkakataon na tatayong executive si Jackson at sinabi ng Knicks na siya ang magdedesisyon kaugnay sa komposisyon ng koponan.
Sinabi ni MSG chairman James Dolan na siya ay nalulugod at nagagalak na magbigay-daan para sa pagpasok ni Jackson.
- Latest