MANILA, Philippines - Ipapadala ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) ang women’s softball team sa US upang magsanay bilang pinal na preparasyon sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Naipasa ng ASAPhil ang kanilang request para maÂsuportahan ang biyahe sa Task Force Asian Games na pinamamahalaan ni Chief of Mission at PSC chairman Ricardo Garcia.
Ang pinag-uusapan na lamang ay kung ilang buwan mamamalagi ang koponan sa US.
Nais ng ASAPhil na tatlong buwang hasain ang koÂponang hawak ni coach Ana Santiago sa InternatioÂnal Softball Federation (ISF) headquarters sa Plant City, Florida, pero ang kakayanin lamang budget ng PSC ay mga dalawang buwan.
Naglaan ang Komisyon ng P50 milyon para sa pagsasanay ng mga manlalarong isasama sa deleÂgasÂyon sa Incheon, Korea at ang women’s softball ay naÂkatiyak na ng puwesto matapos ang pang-apat na pagÂtatapos sa Asian Women’s Softball Championship sa Chinese-Taipei noong nakaraang taon.
“It’s about time that we give them the chance to learn the scientific way and know the latest techniques because the Asian and World level events are entirely different from the South East Asian tournaments,†wika ni ASAPhil secretary-general Danny Francisco.
Ang Pilipinas ay dating tinitingala sa women’s softÂball at noong 1970 ay tumapos sa ikatlong puwesÂto kasunod ng host Japan at US sa Osaka World Softball Championship.
Pero tumaas ang lebel ng mga kalaban lalo na sa Asian countries at naiwan ang Blu Girls.
Ang fourth place na pagtatapos sa Asian ChamÂpionship ang pinakamataas nila sa huling mga edisÂyon ng kompetisyon kaya’t itinutulak ng ASAPhil ang intensibong pagsasanay sa US.