ACCEL-PBA Press CorpsPlayer of the Week: Jayson Castro (Talk ‘N Text)17.0 pts., 3.0 rbs., 2.5 assts.
MANILA, Philippines - Malaki ang naitulong ni point guard Jayson Castro sa dalawang sunod na panalo ng Talk ‘N Text sa 2014 PBA Commissioner’s Cup.
Nagposte ang 5-foot-8 guard mula sa Philippine Christian University ng 12 points, kasama dito ang dalawang three-point shots, para ihatid ang Tropang Texters sa 85-72 panalo laban sa nagdedepensang Alaska sa pagbubukas ng torneo noong nakaraang Miyerkules.
Sa 95-91 tagumpay ng Talk ‘N Text kontra sa Air21 noong Sabado ay umiskor si Castro ng 22 points para sa kanilang pangalawang dikit na ratsada.
Itinabla ni Castro ang Tropang Texters sa San Miguel Beermen sa liderato sa magkatulad nilang 2-0 record.
“It’s very important to have a good start in the conference, because we look at this conference more as a sprint, so we really need to have a good start,†wika ni Black.
Nagposte si Castro ng mga averages na 17.0 points, 3.0 rebounds at 2.5 assists para kilalanin bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week.
Inungusan niya para sa nasabing weekly citation si 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng San Miguel Beer.
Pag-agawan ng Tropang Texters at ng Beermen ang pangunguna sa kanilang banggaan sa Biyernes.
- Latest