Pugad Lawin nais magpakitang-gilas

MANILA, Philippines - Ipapakita ng 2013 Pre-sidential Gold Cup champion Pugad Lawin ang ba-ngin sa pag-asinta sa unang malaking panalo sa taon sa paglahok sa PCSO Freedom Cup na handog ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Linggo sa MetroTurf Club sa Malvar, Batangas.

Si Pat Dilema ang siyang gagabay sa limang taong colt na may la-hing Refuse To Bend at Unstoppable na nakapanggulat nang kunin ang PGC na pakarera rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa isang milya (1,600m) inilagay ang karera at ipinalalagay na magi-ging pabirito ang kabayong pag-aari nina Tony Tan at Jun Ferrer matapos manalo sa karerang nilahukan noong nakaraang buwan.

Hindi naman biro ang hahamon sa nasabing kabayo dahil mga de-kalibreng kalaban ang makakasagupa ng Pugad Lawin sa karerang sinahugan ng PCSO ng P1.5 milyong premyo.

Kasama sa tatakbo ay ang 2011 Triple Crown leg winner Hari Ng Yambo at 2013 Sampaguita Stakes Race Arriba Amor. Si Paolo Guce ang sasakay sa una na pag-aari ni Manny Santos habang si Fernando Raquel Jr. ang didiskarte sa huli na lahok ni Hermie Esguerra.

Ang iba pang kasali ay ang Boss Jaden ni Jeff Bacaycay para kay Sixto Esquivias; Basic Instinct ni Reynaldo Niu Jr. para kay Rosario, Batangas Mayor Manuel Alvarez; Hot And Spicy ni Mark Alvarez para kay Joseph Dyhengco; Golden Empire ni Kevin Abobo para kay Jun Almeda; Leonor ni JV Ponce para sa Hideaway Farm Corporation; at Stand In Awe ni Jessie Guce para kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Ang premyadong kabayo ni Abalos na Hagdang Bato ang siyang nagdedepensang kampeon ng karera pero hindi isinali dahil may iniinda ang kabayo sa kanyang paa.

Halagang P800,000.00 ang mapupunta sa mananalong kabayo sa nasabing karera habang ang papangalawa ay may P350,000.00 premyo. May bibitbitin din ang papangatlo at papang-apat sa datingan na P200,000.00 at P150,000.00.

Isasabay din sa araw na ito ang Philtobo Gintong Lahi Awards habang may 11 Philtobo races din ang isasagawa at ang mananalo ay maghahatid ng P40,000.00 added prize sa kanyang horse owner.

Ang dalawang araw na pista sa ikatlong race track sa bansa ay magsisimula ngayon at ito ay tinawag na Salute to the Local Horsebreeders Ra-cingfest. May 12 karera ang inilatag at ang mga mananalong horse owners ay may tatanggaping Stallion Certificates. (AT)

 

Show comments