Lapaza sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Ang bagong multi-stage bikefest champion na si Reimon Lapaza ang special guest ngayon sa sesyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum  sa Shakey’s Malate.

Kasama ni Lapaza sa session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp.,  si Cycleline-Butuan Mindanao team manager Lito Patayan.

Inaasahan ding darating sa  Forum na isa sa public service programs ng PSA, ang Philippine National Development touch rugby team na nakatakdang lumaban sa Bangkok International 10s.

Ang mga inaasahang darating na miyembro ng koponan ay sina team captain Nikki Lira, players Joan Javier at Arabelle Jimenez, kasama ang mga coaches na sina  Steve Dodd at Craig Wislang.

Maaaring makipag-ugnayan sa PSA, ang pinakamatandang media organization sa bansa sa pamamagitan ng website na www.psamedia.ph.

 

Show comments