MANILA, Philippines - Binigyan na ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ng puwesto sa Pambansang koponan para sa Incheon Asian Games sina Kristie Elaine Alora, Jade Zafra at Kristopher Robert Uy na mga gold medalists sa nakalipas na Myanmar SEA Games.
Si Alora ang nanguna sa women’s over 73-kilogram, si Zafra ang reyna sa under-57 kilogram habang si Uy ang nagdomina sa men’s plus 87-kilogram.
Dinidinig sa ngayon ng Task Force Asian Games ang mga kasaling National Sports Associations (NSAs) at ang taekwondo ay binigyan ng tig-anim na manlalaro sa kalalakihan at kababaihan.
Dinepensahan naman ng PTA ang pagnombra sa tatlong ito para mapasama na sa Asian Games pool at mabigyan na agad ng pagsasanay.
“They are currently the best jins in the national pool and their gold medals in the Myanmar SEA Games can attest to that,†wika ni PTA national training director Noel Veneracion.
Beterano rin ng 2010 Guangzhou Asian Games si Alora at isa siya sa apat na jins na nanalo ng bronze medals sa edisyon.