Blackwater inangkin ang No. 4 berth sa semis

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tikas ng beteranong Black­wa­ter Sports para makum­pleto ang dalawang pana­lo na kailangang kunin sa Jumbo Plastic Linoleum sa 91-81 tagumpay sa pag­tatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup quar­terfinals kahapon sa Yna­res Sports Arena sa Pa­sig City.

Hinugutan ng Elite ang husay ni guard Je­ri­cho Cruz sa ikatlong yug­to bago pumalit ang mga beteranong sina Allan Ma­ngahas, Kevin Ferrer at Narciso Llagas sa hu­ling 10 minuto ng bakba­kan upang angkinin ng Elite ang huling puwesto patungong semifinals.

Naunang lumarga ang Giants at nagkalayo sa 40-25 sa ikalawang yugto.

Ngunit hindi nasaba­yan ng Jumbo Plastic ang malakas na laro sa second half ng Elite na nakaangkla kay Cruz.

Ibinuhos ni Cruz ang 17 sa kanyang 29 puntos sa ikatlong yugto.

May 33 puntos ang Elite sa third period para burahin ang 11 puntos pagkakalubog sa halftime at kunin ang 66-63 kalamangan.

May 10 boards pa si Cruz, habang sina Ma­nga­has, Ferrer at Llagas ay tumapos bitbit ang 17, 14 at 11 puntos.

Ito ang ikaapat na knockout game na hina­rap ng Elite at sunod nilang babanggain ang No. 2 Big Chill sa best-of-three semifinals na si­si­­mulan sa Martes.

Ang baguhang Hog’s Breath Café at multi-titled NLEX ang magtutuos sa isa pang Final Four.

 

Show comments