Trail Blazers sinilaban ang New York Knicks
NEW YORK -- Halos nahirapang umiskor si LaMarcus Aldridge, ngunit naging kumpiyansa naman ang All-Star sa kanyang huling tirada.
Tumapos si Aldridge na may 15 points at 12 rebounds at nagtala ng malamyang 5-of-17 fieldgoal shooting.
Subalit ang kanyang turnaround jumper sa huling 35 segundo ang tumiyak sa 94-90 panalo ng Portland Trail Blazers kontra sa New York Knicks.
Humakot naman si Nicolas Batum ng 20 points at 10 rebounds, habang nagdagdag ng 18 markers si Wesley Matthews para sa Trail Blazers.
“I had the whole game to miss shots so I felt like I was due some makes,†wika ni Aldridge. “Law of aveÂrages have to catch up sooner or later. I had made one easy one, one tough one. So I felt like I was going to make it.â€
Nagposte naman si All-Star Damian Lillard ng maÂhinang 4-of-12 clip para tumapos na may 12 points
Kumolekta si New York star Carmelo Anthony ng 26 points ngunit may 0-for-5 shooting sa fourth quarter.
Nalasap ng Knicks ang kanilang ikatlong sunod na kaÂbiguan.
Nakalapit sa isang puntos ang Knicks sa fourth period, subalit nakagawa lamang ng dalawang baskets at 5 points sa sumunod na 7 minuto.
Sa Los Angeles, binigo ng Miami Heat ang Los AnÂgeles Clippers, 116-112, tampok ang 31 points, 12 assists at 8 rebounds ni LeBron James.
Nagsalpak si Ray Allen ng isang 3-pointer sa huÂling minuto ng laro at winakasan ng Heat ang kanilang five-game road losing slump laban sa Clippers.
Tumapos si Allen ng 15 points mula sa bench para sa two-time defending NBA champions.
Nag-ambag naman si Dwyane Wade ng 14 points at 8 assists para sa kanyang ika-700 regular-season game.
Naipatalo ng Heat ang 10 sa kanilang huling 12 road games kontra sa Clippers at hindi pa sila nananalo sa Staples Center sapul noong Disyembre 9, 2007.
Nakakuha ang Clippers, nagmula sa 115-116 kaÂbiguan sa Denver Nuggets mula sa buzzer-beating 3-pointer ni ex-Clipper Randy Foye, ng season-high na 43 points at 13 rebounds kay Blake Griffin.
Naglista naman si Jamal Crawford ng 31 markers at pinalawig ni center DeAndre Jordan ang kanyang franchise record na 29 magkakasunod na double-digit rebound performances mula sa kanyang 16 boards at 16 points.
Sa Washington, humugot si Patty Mills ng 11 sa kanÂyang season-high na 23 points sa dalawang overtime period para tulungan ang San Antonio Spurs sa 125-118 panalo laban sa Washington Wizards.
Humakot si Tim Duncan ng 31 points at 11 rebounds at nagdagdag si Danny Green ng 22 points paÂra sa Spurs.
- Latest