^

PM Sports

Kahit na suspendido si head coach Yeng Guiao finals ticket asam ng Painters

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pilit na isasantabi ng Rain or Shine ang problema sa off-court sa pag-asinta ng isa pang panalo laban sa Petron Blaze na magsisilbing tiket para sa championship round sa PLDT-myDSL PBA Phi­lippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Colise­um.

Asahan na gagami­ting motibasyon ng Elasto Painters ang hindi pag-upo sa bench ni coach Yeng Guiao  para wakasan ang best-of-seven semifinals series nila ng Boosters sa Game Five ngayong alas-8 ng gabi.

Kinuha ng koponang pag-aari nina Terry Que at Raymond Yu ang mahalagang 3-1 bentahe matapos ang 88-83 panalo sa Game Four noong Lunes.

Sa nasabing laro ay na­­patalsik si Guiao, ngu­nit nagsilbing mitsa sa nag-aalab na damdamin ng Elasto Painters na ka­ni­lang ibinulalas sa huling yugto tungo sa panalo.

Ito ang ikalawang su­nod na laro na napatalsik si Guiao dahil noong Game Three ay pinasibat din siya matapos ang dalawang technical fouls.

Hindi pa malaman kung makakabalik na si Paul Lee na natapilok, habang malabo rin si Jervy Cruz na nabalian ng ilong nang tamaan ng kamao ni Boosters guard Alex Ca­bagnot.

Pero sa dami ng hirap na dinaanan ng Elasto Pain­ters ay tiyak na kaya pa nilang sagupain ang ha­mon para maibigay sa prangkisa ang ikalawang pag-apak sa Finals.

Ang aksyon sa court ng Rain or Shine ay hiwalay sa pagkilos ng board representative Atty. Ma­merto Mondragon na silipin din ni Commissioner Chito Salud ang ka­palpakan sa tawagan ng mga referees sa pananakit ng Boosters sa kanilang man­lalaro.

Ang sulat ay ipinaabot na sa Commissioner’s Office at ipinarating din nila ang hindi pagsang-ayon sa pagpataw ng one-game suspension kay Guiao bukod sa P100,000.00 bu­nga ng ‘dirty finger’ na ginawa niya sa ikatlong pagtutuos.

“We have no problem with the fine, but the one-game suspension was too much. Masyado na ka­ming pinilayan,” wika ni Mon­dragon.

Umaasa naman ang Rain or Shine representative na kikilos si Salud sa reklamo laban sa referee na pinituhan lamang ng regular foul si Cabagnot na dapat ay flagrant foul dahil nabasag ang ilong ni Cruz.

 

ALEX CA

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME THREE

GUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with