^

PM Sports

San Mig lalapit sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lalapit pa ang San Mig Coffee sa puntiryang ikalawang sunod na pagtapak sa finals sa pag-asinta ng panalo  laban sa Barangay Ginebra sa Game Four ng PLDT-myDSL PBA Philippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sariwa ang Mixers sa 97-89 panalo sa Gin Kings noong Linggo at naniniwala si coach Tim Cone na may sapat pang enerhiya ang kanyang mga alipores para kunin ang panalo sa larong magsisimula sa ika-8:00 ng gabi.

“It’s a tough series and we need to play A-plus to beat this team,” wika ni Cone na galing sa pagsungkit ng titulo sa PBA Governors’ Cup.

May dahilan na mag-alala si Cone dahil ang Gin Kings ay hindi pa natatalo ng dalawang sunod sa conference na ito.

Si Ginebra coach Renato Agustin ang nagsabi na siya ang nagkamali sa diskarte kaya’t natalo sila sa Game Three at tiniyak na gagawin niya ang lahat para maitama ito.

Isa na sa adjustments niya ay ang pagbibigay katiyakan na may ilalabas pa sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio sa mahahalagang tagpo ng labanan.

Sa nakaraang laro, ang tatlong ito na gumawa ng 29, 14 at 12 puntos ngunit napagod sa huling yugto para makakawala ang Mixers.

Habang ang paglimita sa twin-towers ng Ginebra ang isa sa pagtutuunan pa rin ng Mixers, ang patuloy na pagkinang ng bench ay isa sa hindi dapat na magbago kung nais nilang umangat ang kasalukuyang 2-1 karta.

Si Mark Barroca ay off-the-bench player ni Cone at nakabuti ito sa kanyang diskarte dahil siya ang tumayong bida sa kinuhang panalo sa Games One at Three.  (AT)

BARANGAY GINEBRA

GAME FOUR

GAME THREE

GAMES ONE

GIN KINGS

GREG SLAUGHTER

JAPETH AGUILAR

PHILIPPINE CUP

RENATO AGUSTIN

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with