MANILA, Philippines - Umabante sa second round ang Philippine Davis Cup team sa Asia Oceania Zone Group II opening tie nang ibigay ni Treat Huey ang ikatlong panalo sa paÂmamagitan ng 2-6, 6-4, 6-4, 6-4 tagumpay laban kay Harshana Godamanna ng Sri Lanka kahapon sa Sri Lanka Tennis Association Courts, Colombo, Sri LanÂka.
Ang panalo ni Huey na pinalitan ang may injury na si Ruben Gonzales, ay para maipaghiganti rin ang 3-6, 7-6 (8), 6-4, 2-6, 3-6 pagkatalo ni Patrick John Tierro kay Godamanna sa opening singles.
Itinabla ni Ruben Gonzales ang labanan sa 1-1 sa 6-3, 6-3, 6-0 tagumpay kay Dineshkanthan sa ikalawang opening singles noong Biyernes bago ibinigay nina Gonzales at Huey ang 2-1 kalamangan sa 6-1, 6-0, 6-1 panalo sa tambalang Godamanna at Rajeev Rajapakse noong Sabado
Ang 3-1 tagumpay ng Pilipinas ay ika-walong panalo sa parehong bilang ng pagtutuos sa Davis Cup sa Sri Lanka at sunod na kakaharapin ng koponan ay ang mananalo sa pagitan ng Pakistan at Vietnam sa Abril 4 hanggang 6.