NEW YORK – Naagaw ni Patrick Patterson ang inbound pass ni Deron Williams at nagsagawa ng go-ahead jumper sa huling 6 segundo ng laro para pigilan ng Toronto ang five-game winning streak ng Brooklyn, 104-103 sa ikala-wang pagkakataon nga-yong buwan.
Taglay pa ng Brooklyn ang three-point lead patungo sa huling 17 segundo ng laro sa tulong ni Paul Pierce na nagpamalas ng kanyang pinakamagandang laro sa Nets ngunit umiskor si John Salmons, 12-segundo na lang ang natitira bago itinawag ng Brooklyn ang kanilang huling timeout para dalhin ang bola sa frontcourt.
Naagaw ni Patterson ang pasa at ibinigay kay Kyle Lowry na ibinalik sa kanya para sa jumper.
Minalas naman si Pierce sa kanyang final attempt.
Tumapos si Lowry na may 31 points at seven assists para sa Raptors, na may 2 1/2 games na layo sa Nets para sa Atlantic Division lead.
Nagtala si Pierce ng 33 points sa pagkamada ng 7 3-pointers sa kanyang impresibong pagbawi matapos magtala ng 2 for 10 sa kanyang emosyunal na pagbabalik sa Boston noong Linggo.
Naiposisyon niya sa panalo ang Nets matapos umiskor ng siyam na puntos bago nakaagaw ang Toronto.
Sa Oklahoma City, gumawa ng winning jumper si Kevin Durant sa huling 1.5 segundo para itulak ang Thunder sa 111-109 panalo sa Atlanta Hawks
Ang 12-footer ni Durant ang kanyang ika-13 puntos sa huling yugto upang tapusin niya ang laro taglay ang 41 puntos.
Ito na ang ika-11 sunod na laro na tumapos ang NBA scoring leader bitbit ang 30-puntos o higit pa at lalabas bilang pinakamahaba matapos ang 14-game streak ni Tracy McGrady na nangyari noong Marso at Abril ng 2003.
Naunang nagdomina ang Hawks at lumayo ng hanggang 14 puntos pero hindi nila napigilan si Durant sa huling 12 minuto.