Pacquiao nangakong babawiin ang welterweight title kay Bradley

MANILA, Philippines - Nangako si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na babawiin niya kay Timothy Bradley, Jr. ang inagaw nitong world welterweight title sa kanya noong Hunyo 9, 2012.

Ito ang official statement ni Pacquiao matapos pumayag si Bradley sa kanilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I’m happy that Bradley agreed to fight me a second time,” wika kahapon ni Pacquiao sa isang statement sa RingTV.com. “This will be a different fight. I will get back from me what he took from me in this last fight.”

Inagaw ng 30-anyos na si Bradley  (31-0-0, 12 KOs) ang dating suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ng 35-anyos na si Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012.

Kasunod nito ay ang sixth-round KO loss ni Pacquiao kay Juan Ma-nuel Marquez (55-7-1, 40 KOs) sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis-yembre 8, 2012.

Sa kanilang rematch, tatanggap si Pacquiao ng guaranteed prize na $20 milyon kumpara sa nauna niyang nakuhang $26 milyon sa una nilang paghaharap ni Bradley, mabibigyan naman ng $6 milyon.

Show comments