^

PM Sports

Magandang kondisyon ng Mamang Sorbetero nagbunga ng panalo sa 3YO & Above Maiden

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakitaan ng magandang kondisyon ang Mamang Sorbetero para manalo sa 3YO & Above Maiden Race noong Huwebes ng gabi sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Sa pagbukas pa lamang ng aparato ay inuna agad ni jockey Mark Alvarez ang kabayo at nagawang pa-ngatawanan ng tambalan ang malakas na panimula at makapagbanderang-tapos sa 1,200m karera.

Ang Out  To Win ni  AO Camañero at Tumauini ni JB Guce ang nagsikap na habulin ang nangungunang kabayo pero buo pa ang Mamang Sorbetero  at manalo ng isang ulo sa Out To Win.

Nagkakahalaga ang panalo ng P10,000.00 na ibi-nigay ng Philippine Racing Commission (Philracom) bilang added prize sa karera.

Maganda pa ang ibinigay ng Mamang Sorbetero dahil may P10.50 dibidendo ang win habang ang pagpangalawa ng dehadong Out To Win ay nagresulta sa P67.50 sa 6-2 forecast.

Nagpasikat din ang kabayong Ho Ho Ho na nadehado sa class division 1C at pinaglabanan sa 1,000m sprint distance.

Naunang nalagay ang kabayong hinawakan ni RC Tabor sa pangatlong puwesto kasunod ng Moon Raker at Guillermo.

Sa back stretch ay nakuha na ng Ho Ho Ho ang kanyang kondisyon para pagpasok sa huling kurbada ay nangunguna na ito.

Lalo pang bumulusok ang Ho Ho Ho sa rekta para manalo ng mahigit apat na dipa sa Janz Music.

Nakapaghatid ang win ng P48.00 dibidendo sa win habang umabot sa P94.00 ang 2-1 forecast.

Nagbunga rin ang pagsakay ni LT Cuadra sa Fort Belle matapos mangibabaw sa handicap race sa 1,200m distansya. Ang kabayo na dating sinasakyan ni Jonathan Hernandez ay patok din sa anim na naglaban  at naghatid ito ng P6.00 sa win habang ang 4-2 forecast ay nagbigay ng P17.50.(AT)

ABOVE MAIDEN RACE

ANG OUT

FORT BELLE

HO HO HO

JANZ MUSIC

JONATHAN HERNANDEZ

MAMANG SORBETERO

MARK ALVAREZ

MOON RAKER

OUT TO WIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with