MANILA, Philippines - Pawang kasinungali-ngan.
Ito ang sinabi ni Floyd Mayweather Jr. patungkol sa lumabas na balitang nagkaayos na siya at ni Manny Pacquiao upang maitakda ang kinasasabikang pagtutuos sa ring na mangyayari umano sa Setyembre.
“All the stories you hear about Pacquiao is a lie,†wika ng pound-for-pound king sa panayam ng Fighthype.com.
“It’s not true. If it didn’t come from Leo-nard’s (Ellerbe) mouth, my mouth or Al’s (Haymon) mouth, it’s not true,†dagdag ni Mayweather.
Sa Youtube boxing channel 79Sports lumabas ang balitang tuloy na ang Pacquiao-Mayweather.
Kahit si Bob Arum ng Top Rank ay nagsabi rin na hindi totoo ang lumabas na balita sa pa-nayam ni Brad Cooney ng 8countnews.
Sinabi pa ni Arum na maraming balitang ganito na lalabas dahil marami ang nagnanais na makita sa ring sina Pacquiao at Mayweather pero hindi dapat ito agad paniwalaan hanggang hindi siya o si Pacman ang nagsabi nito.
“You’re going to get reports like this from time to time, but unless it comes from us or Manny, it has absolutely no subs-tance,†pahayag ni Arum.
Sa ngayon ay abala ang Top Rank sa pagpili ng makakalaban ng Kongresista ng Sarangani Province para sa kanyang pagbabalik ng ring sa Abril.
Tinuran ni Arum na alinman kina Timothy Bradley o Ruslan Provodnikov ang makakatuos ni Pacquiao sa laban na gagawin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Galing si Pacquiao mula sa kumbinsidong unanimous panalo laban kay Brandon Rios noong Nobyembre 24 sa Macau, China.
Nakikita pa ni Arum na mas mabangis si Pacquiao sa kanyang unang sampa sa 2014.
“I think we’ll see a much more intelligent Manny Pacquiao going forward than we did when he fought (Juan Manuel) Marquez,†wika pa ni Arum.
Si Mayweather ay nagbabalak din na bumalik ng ring sa Mayo at ang pinagpipilian ay sina Amir Khan at Marcos Maidana.