ORLANDO, Fla. -- HinÂdi problema para sa GolÂden State Warriors ang pag-iskor.
Ngayon ay nakikilala na sila bilang isang defensive team.
Ginamit ng Warriors ang half-court defensive presÂsure para talunin ang OrÂlando Magic, 94-81.
“Defense is not something we’re known for,†saÂbi ni forward David Lee na binanderahan ang Warriors mula sa kanyang 22 points. “Everyone looks at our team and the ability to shoot the ball and score, but we’re a Top 10 defensive team too.â€
Nilimita ng Warriors ang Magic sa 38 percent shooting at lumamang ng 12 points sa first quarter at umaÂbante ng 23 markers sa halftime.
“That’s the 14th time we’ve held a team under 40 percent so we’ve got to get some recognition as far as the way we defend,†wika ni Golden State coach Mark Jackson. “We deÂfended from the opening jump and were really locked in the whole night.â€
Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Golden State.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 15 points at may 12 si Kent BazeÂmore at 10 si Marreese Speights paÂra sa Warriors.
Sa Oklahoma City, buÂmangon ang Portland Trail Blazers mula sa dalawang sunod na kamalasan para biguin ang Thunder, 98-94.
Kumolekta si LaMarcus Aldridge ng 25 points at 14 rebounds para akayin ang Blazers mula sa isang 13-point second-half deficit at gibain ang Thunder.