MANILA, Philippines - Kinuha ng Kid Molave ang taguri bilang pinakamahusay na 2-year old horse ng 2013 matapos dominahin ang Philracom Juvenile Championships noong Linggo sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.
Ang dalawang taong kabayo na anak ng Into Mischief sa Unsaid ay nakontento muna sa pa-ngatlong puwesto bago kumaripas ng takbo mula sa labas para abutan ang mga nasa unahang Skyway at Barcelona.
Hindi na napigil ang malakas na pagdating ng kabayong sakay ni Jonathan Hernandez para manalo ng halos tatlong dipa sa Barcelona na ginabayan ni Jessie Guce.
Si Guce ang dating hinete ng Kid Molave at siyang nakasakay nang pingunahan ang Philtobo 2-Year Old Championships noong Disyembre 15.
Halagang P1.5 milyon mula sa P2.5 milyon na inilaan ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission (Philracom), ang nasungkit ng winning owner na si Manny Santos upang iangat sa P3.3 milyon ang napanalunan ng Kid Molave sa dalawang stakes races na sinalihan.
Ang premyo sa Philtobo race ay P1.8 milyon.
“Sa far turn pa lamang ay alam kong amin na ang panalong ito dahil marami pa ang kabayo,†wika ni Hernandez.
Ang dehadong Castle Cat na sakay ni Chris Garganta ang pumangatlo bago tumawid ang Skyway na sakay ni Mark Alvarez.