Wagi ang John's Memory

MANILA, Philippines - Nakuha ng John’s Me­mory ang ikalawang di­kit na panalo sa buwan ng Disyembre matapos ma­­nalo noong Biyernes ng ga­bi sa Metro Turf sa Mal­var, Batangas.

Bumangon ang kaba­yong iginiya ni Jonathan Her­nandez mula sa mala­yong ika-limang puwesto at ginamit ang balya para makumpleto ang pagre­ma­te sa 1,200-metro distansya.

Walong kabayo ang nag­balikatan, kasama ang coupled entries na Miss Malapia at Luna Rossa at ang mga kabayong I Am On Fire, Alpha Alleanza, Esprit De Corps at Luna Ros­sa.

Pero nagkawatak-wa­tak ang mga kabayo at na­kasingit sa balya ang na­dehado pang John’s Me­mory para manalo ng ha­los tatlong dipa sa I Am On Fire ni AG Avila.

Noong Disyembre 8 huling nanalo ang John’s Memory at ang tagumpay sa karera ay nagpasok ng P26.00 sa win, habang ang 1-4 forecast ay may P60.00 dibidendo.

Samantala, may 12 ka­rera ang nakahanay sa pag­tatapos ng isang linggong pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dalawang karera rito ay sinahugan ng added prize sa mananalo ng P10,000.00 na handog ng Phil­racom.

Ang una ay ang 2YO Maiden Division race na sasalihan ng Limit Less, Pro­verb, Señorita Rita, Rob The Bouncer, Queen Elisabita, Lovely Ycee at Sinulog na paglalabanan sa 1,300-metro distansya.

Isang 3YO and Above Maiden Division race ang ikalawang karera  at ang mga ta­takbo ay ang Cruize Con­trol, Bad Boy Migi, Time Of My Life, Ecstatic Pebbles, Nagni­ningning, Forever Green.

Ang Flying Honor ay mula sa segunda pu­­wes­tong pagtatapos at angat sa hanay, habang ang Ecstatic Pebbles at Time Of My Life ang maaa­ring mag­laban sa 3YO and Above race.

Show comments