5th National Milo Little Olympics Boholano nangibabaw pa rin kahit nilindol
CEBU CITY , Philippines – Dumanas man ng pagsubok, hindi ito naging hadlang sa isang Boholano para lumahok at magtagum-pay sa 5th National Milo Little Olympics na idinaraos sa Cebu City Sports Center dito.
Matapos yanigin ang Bohol ng napakalakas na 7.2 magnitude earthquake, ang determinasyon ni Rensel Rosales ang nagkaloob sa kanya ng gintong medalya matapos magtala ng distansiyang 9.22 metro.
“Nasira ang bahay namin sa Talibon ng lindol kaya lumipat kami sa Tagbiliran,†sabi ng 15-anyos na si Rosales na walang maayos na training para sa event na ito dahil sa naganap na lindol.
“Yung oval kung saan ang nagte-training ay ginamit na landing-an ng mga helicopter para ma-rescue ang mga biktima kaya hindi ako nakapag-training ng maayos,†ani Rosales na tinutukoy ang Carlos P. Garcia Cultural and Sports Center sa Tagbiliran.
Tinalo ni Rosales sina Kimberly Dangli ng Mindanao at NCR bet Jane Marie Cabarga.
Ang gold medal ni Rosales ay mas kuminang pa kaysa sa double-gold performances nina Judy Ann Rendora ng NCR sa centerpiece athletics at Catherine Bondad sa medal-rich swimming.
Nakopo ni Rendora, kumatawan ng Dasmariñas National High School ng gold medals sa 100m sa 12.50 seconds at 100m hurdles sa oras na 15.26, habang si Bondad, Palarong Pambansa multiple gold medalist na kumakatawan ng San Beda-Alabang ay nanguna sa 400m freestyle sa kanyang oras na 4:50.28 at 100m backstroke sa tiyempong 1:10.78.
Nanalo rin ang long distance runner na si Kevin Capangpangan ng Mindanao sa 5,000-meter run. (Joey Villar)
- Latest