^

PM Sports

Next fight ni Suarez posibleng gawin sa Manila

Chris Co - Pang-masa
Next fight ni Suarez posibleng gawin sa Manila

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang susunod na laban ni WBO international junior lightweight champion Charly Suarez na posibleng ganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City o sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sinisimulan na ni da­ting Ilocos Sur Governor Chavit Singson — ang pangunahing sumusuporta kay Suarez — ang pakiki­pag-usap upang madala ang susunod na laban ng Pinoy champion sa Pilipinas.

Target itong ganapin sa Disyembre.

“We’re willing to finance na dito maganap and if possible the championship fight be here in the Philippines — it’s either sa Mall of Asia or sa Philippine Arena,” ani Singson.

Kinatawan ni Singson sa Amerika si Filipino-American Ricky Navalta na siyang nagsisilbing team manager ni Suarez sa tuwing nasa Amerika ito.

Target ng grupo ni Suarez na maikasa ang world title fight kontra kay Emmanuel Navarrete ng Mexico.

Si Navarrete ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) super featherweight champion.

Sariwa pa si Suarez sa matagumpay na third-round knockout win laban kay Jorge Castaneda noong Setyembre na ginanap sa Glendale, Arizona.

“After this events, simula na agad kami sa trai­ning to prepare para sa possible December fight,” ani Suarez.

Kung matutuloy ang laban, mas lalong gaganahan si Suarez dahil makakalaban ito sa harap ng mga kababayan nitong siguradong susuporta sa kanya.

Kaya naman agad na tutulak pa-Amerika si Navalta upang makipag-negosasyon at agad na malaman ang gagastusin para mairaos sa Pilipinas ang laban.

CHARLY SUAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with