2013 Qubica AMF Bowling World Cup Phl Bowlers nagparamdam

KRASNOYARSK, Rus­sia -- Matapos ang dalawang araw ng kompetisyon ay nagparamdam agad sina Filipino bowlers Benshir Layoso at Maria Lourdes Arles para tumibay ang paghahabol sa 24-man cut sa 2013 QUBICA AMF Bowling World Cup sa Krasnoyarsk Center dito.

Si Layoso ay gumawa ng 2916 pinfalls sa 12 laro para sa 243 average at malagay sa ikaapat na puwesto sa kalalakihan habang si Arles ay may 2944 sa 13 games para  malagay sa ikaanim na puwesto.

Nanguna sa dalawang dibisyon sina Peter Hellstrom ng Germany at Ca-roline Lagrange ng Canada sa pagrolyo ng 3061 at 3186 iskor, ayon sa pagkakasunod sa prestihiyosong individual kegfest.

Ang iba pang bowlers  na may magandang ipinakita ay sina German  Bodo Konieczny (2949), Venezuelan William Ching (2932), Layoso, Mats Maggi ng Belgium (2901), Vincent Cayez ng France (2890), Christopher Sloan (2884), Russian Alexei Parshukov (2882), Israeli Or Aviram (2870) at Mexican Humberto Vasquez (2851).

Show comments