MANILA, Philippines - Sa Disyembre 3 ang alis ng mga atleta at coaches ng siyam na sports na mauunang lalaruin sa Myanmar SEA Games.
Napagdesisyunan ang petsang ito kahapon sa pagpupulong nina Chief of Mission at POC 2nd VP Jeff Tamayo, POC chairman Tom Carrasco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia.
“Ito na ang maitutu-ring na main bulk dahil nine sports ito at may mga kasama na rin na mga support staff,†wika ni Tamayo.
Ang mga aalis sa petsang ito ay ang basketball, women’s football, boxing, wushu, pencak silat, canoe-kayak, wrestling, badminton at sepak takraw.
Ang mga larong ito ay bubuksan ng mas maaga sa Disyembre 11 na siyang araw ng opening ceremony sa Nay Phi Taw.
“Ok na ang biyahe nila at ang flight ay Manila-Bangkok-Nay Phi Taw dahil walang direct flight,†dagdag ni Tamayo.
Ang delegasyon sa ngayon ay binubuo ng 210 atleta bukod pa sa 76 coaches at kasama na rito ang women’s basketball team na naglalaro pa sa FIBA Asia Championships for Women sa Bangkok, Thailand.
Habang ayos na ang paglipad ng delegasyon, isang problemang hinaharap ni Tamayo ay patungkol sa Flag bearer ng delegasyon.
Si wrestler Jason Balabal ang naunang ninombra para sa puwesto pero nagkakaaberya ngayon dahil ang wrestling na gagawin mula Disyembre 9 hanggang 13 ay lalaruin sa Yangon na limang oras ang biyahe patungong Nay Pyi Taw sakay ang bus.
Si Balabal na gold medalist ng 2011 SEA Games ay kasali sa dalawang events na Greco Roman at Freestyle dahilan upang magkaroon ng problema kung paano makakarating sa takdang oras para sa opening cere-monies sa Disyembre 11.
“Kinakausap ni wrestling president Albert Balde ang Myanmar wrestling federation kung maaayos ang schedule ni Jason na sa Dec. 13 na lang maglaro sa halip na Dec. 12. Kung hindi magagawan ng paraan, si Dennis Orcollo na World champion sa bilyar, ang ipapalit sa kanya,†wika pa ni Tamayo. (AT)