^

PM Sports

PSC-POC Batang Pinoy Visayas leg: Janario pinakamabilis tumakbo

Pang-masa

MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Nagtala si Karen Janario ng Leyte Sports Academy-Smart ng oras na 13.05 segundo sa girls’ 100-meter dash para kilalanin bilang pinakamabilis na atleta sa track and field event ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg.

Ito ang ikalawang gintong medalya ng 14-anyos na si Janario makaraang manguna sa 100m hurdles sa oras na 15.58 segundo.

Ibinulsa naman nina Cebu City pride Ivan Miguel Santos at Jrict Ray Talicug ang kanilang tig-dalawang gold medals kagaya ni Palarong Pambansa champion Anjelica de Josef.

Pinitas ng 14-anyos na tubong Lezo, Aklan na si De Josef ang kanyan mga ginto sa 1,500m at 400m.

Kinolekta naman ni Santos, ang atletang kumuha ng unang gintong medalya  sa kompetisyon noong Miyerkules, ang kanyang pangatlong ginto mula sa panalo sa boys 1,500m at 5,000m.

Si Talicug ang nagtakbo sa mga ginto sa boys century dash at 400m para sa 50 gold, 32 silver at 14 bronze medals ng Cebu City na sinusundan ng Bohol Province (22-32-14) sa medal tally.

Sinikwat naman ng host Maasin City ang kanilang ikalawang gintong medalya nang manalo ang kanilang futsal team kontra sa Baybay B, 2-0, sa Badian Gym.

 

BADIAN GYM

BAYBAY B

BOHOL PROVINCE

CEBU CITY

DE JOSEF

IVAN MIGUEL SANTOS

JRICT RAY TALICUG

KAREN JANARIO

LEYTE SPORTS ACADEMY-SMART

MAASIN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with