Tigers 0 bulldogs?
FINAL 4
Laro NGAYON
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
4 p.m. – UST vs National University
(do-or-die)
MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang National University at UST na gumawa ng kasaysayan sa pagtatapat ng dalawa sa huling pagkakataon sa 76th UAAP men’s basketball.
Sa ganap na ika-4 ng hapon sa Mall of Asia sa Pasay City gagawin ang do-or-die Final Four game at ang mananalo ay aabante sa best-of-three championship series para labanan ang La Salle.
Nakauna ang Archers nang pasibatin ang FEU, 71-68, sa isang semifinals noong Miyerkules.
Hanap ng Bulldogs na tapusin ang mahigit na apat na dekada na hindi nakakapasok sa finals habang ang Tigers na pumangalawa noong nakaraang taon, ay magtatangka na maging kauna-unahang koponan na umabante sa finals bilang number four team.
Tangan ng tropa ni coach Alfredo Jarencio ang momentum matapos ang 71-62 pananaig noong Setyembre 22.
“Pareho pa rin ang mindset namin, wala sa amin ang pressure at kaya naming manalo kahit number four team kami. Ito ang challenge sa amin,†pahayag ni Jarencio.
Sina Jeric Teng, Karim Adbul, Aljon Mariano, Kevin Ferrer at Clark Bautista ang mga aasahan ng Tigers pero malaking papel ang gagawin ng bench na siyang nakatulong sa panalo sa Game One.
Si Bobby Parks Jr. at Emmanuel Mbe ang siyang magdadala sa laban ng Bulldogs, ang number one team at nagkaroon ng twice-to-beat advantage sa yugto.
Kailangang bumawi ang dalawang Bulldogs na ito matapos ang di kagandahang ipinakita sa unang tagisan.
“I just have to focus more. I just have to play stronger, physically and mentally,†ani ni Parks.
Ang Game One ng finals ay itinakda naman sa Oktubre 2.
Higit kay Parks, dapat din na matapatan ng Bulldogs ang intensidad na ipakikita ng Tigers na may bitbit ding cham-pionship experience sa labanan.
“We did not play our best game in our last meeting. We will learn from our mistakes and hopefully we will play to our potential,†wika ni Altamirano.
- Latest