Bryant hindi pa alam kung kailan maglalaro
LOS ANGELES -- Kasalukuyang nasa isang recoÂvery period pa si Lakers superstar Kobe Bryant mula sa isang torn Achilles’ tendon.
Hindi pa masabi ng Lakers kung kailan sisimulan ng 35-anyos na future Hall of Famer ang kanyang ika-18th season.
“He’s progressing well and has met all the targets and milestones of his rehab, and we expect him to make a full recovery,†wika ni Lakers spokesman John Black sa The Los Angeles Times.
“One of the key issues is to make sure he builds up strength and endurance not only in his Achilles’ but also in his legs, knees, back and core,†dagdag pa nito.
Nagkaroon ng injury si Bryant noong Abril 12 at siÂnabi niyang kailangan niya ng anim hanggang siyam na buwan para makabalik sa aksyon.
Magtutungo ang Lakers sa China para sa dalawang exhibition games sa Oktubre.
Hindi inaasahang makakalaro si Bryant sa nasabing dalawang exhibition games at maski sa anim na preÂseason games ng Lakers.
Bubuksan ng Lakers ang kanilang regular season laÂban sa Los Angeles Clippers sa Oktubre 29.
Posibleng handa nang maglaro si Bryant, ngunit wala pang inihahayag ang Lakers kung kailan sasabak sa aksyon sa All-Star guard.
“We will wait until he’s doing full weight-bearing running and on-court basketball activities,†sabi ni Black.
Bubuksan ang training camp ng Lakers sa Setyembre 28.
- Latest