Bulldogs nilapa ang Mammie-less Warriors; Blue Eagles kontra Green Archers ngayon

MANILA, Philippines - Nanalasa sa huling yug­to si import Emma­nuel Mbe upang makasalo ang NU sa FEU sa unang puwesto mula sa 81-73 pa­nalo kontra sa UE sa 76th UAAP men’s basket­ball kagabi sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Bantay lamang ang mas maliit na si Chris Ja­vier dahil suspendido ang 6-foot-8 import ng Warriors na si Charles Mammie, ang 6’7 na si Mbe ay nagbagsak ng walo sa kanyang 18 points para mai­santabi ang huling pag­dikit ng UE sa dalawang  puntos, 57-59.

May 11 rebounds pa si Mbe pero ang maganda sa ipinakita ng tropa ni coach Eric Altamirano ay nanatili ang kanilang katatagan kahit binigyan ng matin­ding hamon ng UE na hin­di rin nagamit sa laro si Lord Casajeros at ang pagka-foul out sa ikatlong yugto ni Ralf Olivares.

“Coming into this game, we knew UE will come out with a lot of emotion and use that (suspensions) as their motiva­tion. There were some part of the game that I felt we lost our composure but the good thing is that we regain in back,” wika ni Altamirano, may magandang puwesto para kunin ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Si Bobby Ray Parks Jr. ay tumapos taglay  ang 18 points at 10 boards, ha­bang si Robin Roño ay naghatid ng 12 puntos sa 3-of-7 shooting sa tres.

May 10 puntos si Roi Su­mang para sa Red Warriors.

Tinapos naman ng A­damson ang kanilang anim na su­nod na kamalasan nang kunin ang 67-53 pa­nalo laban sa UP sa u­nang laro.

Si Ingrid Sewa ay humakot ng 18 points, 15 rebounds  at 3 steals para sa Falcons, habang sina Roi­der Cabrera, Jansen Rios at Celedonio Trollano ay tumapos bitbit ang 17, 16 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Matapos ang laro ay ini­hayag ni Adamson coach Leo Austria na ii­wa­nan na niya ang ko­po­nan matapos ang sea­son.

Adamson 67 - Sewa 18, Cabrera 17, Rios 16, Trollano 11, Inigo 4, Monteclaro 1, Ochea 0, Brondial 0, Agustin 0.

UP 53 - Soyud 17, Ma­rata 8, Lao 8, Asilum 7, De­siderio 4, Ball 4, Wong 2, Pas­cual 2, Ligad 1. Suarez 0, Gingerich 0, Amar 0.

Quarterscores: 20-14; 35-24; 46-38; 67-53.

NU 81 - Mbe 18, Parks 18, Roño 12, Villamor 6, Rosario 6, Javillonar 6, Porter 4, Khobuntin 4, Alolino 3, Javelona 2, Alejandro 2.

UE 73 - Noble 16, Olivares 15, Sumang 10, Javier 10, Jumao-as 8, Sumido 6, San­tos 5, Olayon 2, Alberto 1, Pujante 0, Flores 0, Hernandez 0.

Quarterscores: 16-14; 41-31; 52-49; 81-73.

 

Show comments