Esguerra umangat kay Abalos

MANILA, Philippines - Tunay na balikatan ang labanan para sa para­ngal bilang  horse owner ng taon.

Nagpalitan muli ng pu­westo ang matitikas na may-ari ng kabayo na sina Hermie Esguerra at Mandaluyong City Ma­yor Benhur Abalos habang nakaabang naman sa malayo si Aristeo Puyat ma­tapos ang buwan ng Hul­yo.

Si Esguerra na na­pag-iwanan ng halos P200,000.00 ni Abalos sa bu­wan ng Hunyo ay luma­yong muli nang umangat na sa P7,598,167.56 ang kanyang kita.

Anim na panalo ang nai­dagdag sa karta ng Es­guerra stable para luma­wig ang nangungunang  karta sa 53 panalo bukod sa 34 segundo, 16 tersero at 20 kuwarto puwestong pagtatapos.

Ipinahinga naman ni Abalos ang mga mahuhusay na kabayo sa pangu­nguna ng Hagdang Bato at kumabig lamang ito ng li­mang panalo sa nagdaang buwan upang magkaroon ng 25 panalo, 11 segundo, 6 tersero at 7 kuwarto puwestong pagtatapos patu­ngo sa pumapangalawang P7,259,363.76 kinita.

Si Puyat ay nananati­ling nasa ikatlong puwesto pero naghahabol na si Je­ci Lapus at Atty. Narciso Morales na nasa ikaapat at limang puwesto.

Pumalo na sa P5,802,318.81 ang kinita ni Puyat matapos magka­ro­on ng karta na 44-31-32-41, habang si Lapus ay umangat sa ikaapat na dating okupado ni Mora­les sa P5,200,281.85 mula sa 27 panalo, 35 segundo, 49 tersero at 36 kuwarto puwesto.

Apat ang naipanalo ng kabayo ni Lapus kumpara sa tatlo lamang ni Morales na may P5,153,007.27 sa 32-42-47-45 una hanggang ikaapat na puwes­tong pagtatapos.

Nanatili sa ikaanim na puwesto si Eduardo Gon­zales sa kanyang P4,720,585.10 panalo (32-35-27-26) pero ang nasa pang-pito ngayon ay ang SC Stockfarm na nakakubra na ng P4,677,174.19 sa 19-8-17-11 karta.

Umangat din ang Jade Bros. Freight na nasa pang-sampung puwesto no­­ong nakaraang buwan nang kunin ang ika­walong puwesto sa P4,377,594.56 (31-25-30-34).

Show comments