MANILA, Philippines - Tumataginting na P6.95 milyon ang pagÂlalabanan sa 14 na karera na magpapasigla sa 5th MaÂyor Ramon D. BagatÂsing Cup Sr. Memorial Cup ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Tampok na karera ay ang dalawang BagatÂsing Cup na suportaÂdo ng Philippine RaÂcing ComÂmission na nagÂlaÂan ng P700,000.00 at P500,000.00 premyo, haÂbang ang pinakamalaking kaÂrera ay ang Philippine ChaÂÂrity Sweepstakes Office (PCSO) National Grand DerÂby na sinahuÂgan ng P2 milyong premÂyo.
Ang iba pang malalaÂking karera ay ang tatlong ReÂsorts World Manila Cup na naglaan ng tig-P500,000.00 premyo, PCSO Bagatsing Cup paÂra sa Colts (Div. 1) at Fillies (Div. II) na may tig-P400,000.00 premyo at ang Belle Corporation & PaÂcific Online Cup at Solaire Resorts Cup na nagtaya ng tig-P400,000.00 premyo.
May mga trophy races ang Tiger Resort, EEG DeÂÂvelopment Corp. at ang CaÂsino Filipino na may P200,Â000.00 na guaranteed prize at San Miguel Beer CorÂÂporation na may P50,000.00 para sa mga maÂnaÂnaÂlo.
May P420,000.00 ang unang gantimpala sa BaÂgatÂsing Cup Divison I o paÂra sa mga edad apat na taÂon paÂtaas at ang mga inaÂÂasahang palaban sa 1,750-metro disÂtansyang karera ay ang mga kabaÂyong Money King (Pat DiÂlema), Prime Rate (LT Cuadra Jr) at coupled entry na Penrith (JB Guce) at Jahan (MA Alvarez).
Hindi malayong magkasukatan naman ang mga kaÂbayong Wait Ka Lang (CV Garganta), La Furia Roja (JB Hernandez) at King Samer (EM Raquel) sa Division II para sa mga ImÂÂported horses.